![]() |
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng maraming wika matatag na bansa? |
[Edit] |
Answer
May sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang habampanahon.
marami ang ating wika kaya nagkakaunawaan tayo ng mabuti sa pamamgitan nito nagiging matatag ang ating bansa
WikaNg Pambansa Ay kailaNgan habambuhay!
Ang ibig sabihin ng "maraming wika, matatag na bansa" ay tungkol sa Pilipinas. Alam nating lahat na ang bansa natin ay mayaman sa wika. Sa dinami-dami ng dialekto ng ating mga katutubo at kababayan, pang-10 ang Pilipinas sa pinakamaraming wika sa buong mundo. Kaya masasabi kong ang Pilipinas ay mayroong matatag na pundasyon sa kanilang kultura. Wika ang tanging nagbibigkis sa ating mga Pilipino. Napakasuwerte nating Pilipino at tayo'y biniyayaan ng panginoon ng ibat' ibang wika. Kaya hindi natin dapat itinuturing na parusa ang pagkakaroon ng maraming wika dahil kung walang wika ay wala ring komunikasyon....
wika
Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng komisyon na napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito'y pawang mga dialekto lamang.
First answer by ID3523493420. Last edit by Bethie21. Contributor trust: 3 [recommend contributor]. Question popularity: 18 [recommend question]





